Si Hesus ang pinakakilalang tao sa kasaysayan ng daigdig, ito ay dahil sa karunungan at ebanghelyo na ipinamahagi Niya sa Kanyang kapanahunan. Nang dahil sa Kanyang mga ginawa naging kilala Siya sa mga pinakamalaking relihiyon sa mundo (Kristiyanismo, Judaismo, Budismo, Hinduismo, Islam) at binigyan Siya ng mga titulo (Diyos, propeta, mahusay na guro). Ngunit hindi lang ito ang mga dahilan kung bakit Siya naging papular sa ating kasaysayan at sa panahong ito - dahil naging kontrabersya ang balitang Siya ay nabuhay pagkatapos mamatay ng tatlong araw. Ito ang pinakauna sa listahan ng paniniwala ng Kristiyanismo na nagmula mula pa sa panahon ni Hesus. Ngunit ano nga ba ang mga basihan kung bakit matibay ang pananampalataya ng Kristiyanismo sa kabila ng mga pampapabatong kritiko sa kanilang pananamapalataya? Aalmin natin ang kanilang basihan sa paksa na ito.
Itinuturing na Diyos si Hesus sa Kristiyanismo dahil sa mga himalang kanyang nagawa kabilang na dito ang pagkabuhay mula sa kanyang kamatayan. Mayroong limang-daan na tistigo na nakakita kay Hesus sa parehong oras at parehong lugar, katunayan, napagkamalang pa siyang multo nang mga mga ito ngunit sinabihan sila ni Hesus na huwag matakot kaya't sila'y kumalma. Kung ang ganitong mga pangyayari, hindi maitatangging nabuhay si Hesus dahil kung may dalawa o higit pa ang nakakita. Hindi pwedeng sabihing ang limang-daan tistigo ay nag-halusinasyon ng isang pangyayari sa parehong oras at parehong lugar, napaka-imposible nito. Ang halusinasyon ay nangyayari lamang sa indibidwal na isipan ng tao at hindi mamaaring makaapekto ng iba. Ilang porsyento ba ang posibilidad na magkaroon ng iisang iniisip sa parehong oras at lugar ang dalawang tao? Hindi ba't napakaliit? Ano pa kaya ang limang-daan? Ang limang daan na ito ay may iisang testimonya sa tungkol sa pagpapakita sa kanila ni Kristo na magpapatunay na hindi halusinasyon ang nangyari sa kanila. Nakita rin ni Tomas (isa sa mga disipolo ni Kristo) si Kristo sa parehong lugar at parehong oras. Ang taong ito ay nakahawak sa sugat ni Kristo dahil sa kanyang pagdadalawang isip. Ang ganitong pangyayari ay isa rin sa pagpapatunay totoo ang mga nabanggit na pangyayari dahil hindi maaring masangkot ang ibang pandama tulad ng pang-amoy o panglasa kapag naghahhalusinasyon.
Ang opinyon naman ng mga muslim na hindi namatay si Kristo sa krus ay hindi uubra dahil matibay ang historikal na ebidensiya na si Hesus ay napako at namatay sa krus. Kung medisina din ang pag-uusapan, maiililista natin ang mga dahilan ng kamatayan ni Hesus sa krus: Ang paghagupit ng latigong may tinik na kung tawagin ay "Roman flagrum" ay maaring maging sanhi upang tumuklap ang kayang mga balat sa tuwing hihilain ito ng sundalong romano.
Nagpawis Siya ng dugo habang binubuhat Niya ang mabigat na krus na naging dahil upang makaranas ng dehydration. At ang pag tusok ng sundalong romano ng sibat sa tagiliran ni Kristo na maaaring umabot din sa Kanyang puso.
Ang mga ebidensiyang medisinang ito kasama ang historikal na ebidensiya ay sapat na upang patotohanan ang kamatayan ni Kristo sa krus.
Ang pananampalatayang Kristiyanismo ay tumagal na nang dalawang libong taon at pangalawa sa Judaismo bilang pinakamatandang relihiyon sa mundo. Nang dahil sa mga pangyayaring ito, patuloy na nagiging madami ang naniniwala sa Kanya, ganun pa naman mayroong ding mga kritiko laban sa Kanya. Ngunit nang dahil sa Kanyang kasaysayan, Siya ang pinakasikat at pinaka naging kilala sa mundo hanggang sa mga panahong ito lalo na sa pananampalatayang Kristiyanismo.