Monday, May 6, 2019

Mandatory ROTC dapat bang ibalik?


https://saksingayon.com/wp-content/uploads/2019/03/rotc2.jpg



Kapag narinig ang ROTC  o ang Reserve Officers’ Training Corps kurapsiyon ang unang maiisip ng mga Pilipino - ito ay dahil sa nakaraang insidente sa Pilipinas kung saan ang isang cadet ay pinatay ilang araw lang matapos na isiwalat ang kurapsiyon na nangyayari sa programang ROTC sa UST. Sa pangyayaring ito, ay inalis ang ROTC sa pagiging mandatory.

Naging kontrabersiyal naman ang ang pag-anunsyo ng pangulong Duterte na muling ibalik ang mandatory ROTC sa senior highschool. Marami ang hindi sumang-ayon at meron din namang sumusuporta sa ipinahayag ng pangulo at isa na dito ang AFP (Armed Forces of the  Philippines). Ngunit dapat nga ba talagang ibalik ang ROTC? makabubuti na ba ito sa mga sa mga istudyante? Paano masosulosyunan ang mga posibilidad ng kurapsiyon ng ng mga namumuno kung sakaling maibalik ito?

Kung ako ang tatanungin tungkol sa pagbabalik ng mandatory ROTC iisipin ko ang kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas - kumusta ang kabataan sa panahong ito? May "spirit of patriotism" bang nararamdaman sa kabataan? Gaano kalalim ang pagmamahal nila sa kanilang bansa? Gaano tayo kahanda kung sakaling may manakop sa ating bansa?

Ngayon dapat nga bang ibalik ang mandatory ROTC sa panahong ito? Ang sagot ko ay oo! Kung kurapsiyon ang dahilan kung bakit maraming kumukontra sa pagbabalik nito, dapat lang magkaroon ng batas na magbibigay ng kaparusahan ang sinumang magtangka o gumagawa ng kurapsiyon dito. Ang ROTC ay nasyonalidad na pangangailangan kaya naman tama lang na dapat itong seryusuhin.

Kung tatanungin natin ang mga nakakatanda sa tungkol sa kalagayan ng kabataan ngayon mapapansin na marami ang nagsasabing "mas mabuti pa sa panahon namin kung kailan ay disiplinado kami" na maisasalarawan natin na hindi maganda ang kaugalian ngayon ng kabataan. Ang ROTC ay tumutulong upang ihulma ang kaugalian ng kabataan na pinapakita, isa rin itong pagtulong sa kanilang personalidad upang mahalin ang ating bansa.

Sa kasalukuyang nararanasan ng Pilipinas, dapat nang ibalik ang ROTC. Hindi na natin mababago ang nakaraan ngunit pwede nating pagandahin ang kinabukasan sa pamamaggitan ng pagkilos ngayon. Sabay-sabay nating suportahan ang madatory ROTC.

No comments:

Post a Comment